nung Saturday pumunta akong school. may get-together kasi kaming mga senior scholars at yung mga benefactors namin. nakaka-excite. sabi nga ni ma'am jolly, "we will finally match the names with their faces." sa nakalipas na apat na taon kasi, nagbibigay lang kami ng Christmas card sa kanila. sa wakas, magkakaharap na ang pinagpala at ang nagpapala.
kaya lang syempre, bago pa mag-umpisa yung program proper, nagkaroon muna ng mass. and, matagal-tagal na rin nug huli akong umatend ng catholic mass. anyway, ang galing pa kasi yung homily ni Fr. Roche, yun din yung message na binigay ko sa mga bata nugn Wednesday, at yun din yung na-share ni Ate Lu sa Lcell namin nung Thursday. si Lord talaga, pinupukpok ako. hehe...
sabi nga ng kanta, "forgetting what lies behind, setting our hearts on the prize, always keeping our eyes on our Lord Jesus...we're running the race to win, all the way to the end, laying down every sin that would seem to hinder us."
tapos nung responsorial psalm na, hindi ko maintindihan. ibig ko sabihin, gets ko naman yung psalm na binasa, pati yung response ng congregation, saying na we are filled with joy because God is with us, or something to that effect. basta declaration yun of joy. ang mahirap kasi sagutin, eh kung bakit parang di ko makita yung joy sa mga tao sa paligid ko. sa loob-loob ko, ang sarap tumalon, sumayaw, tumawa, at ipagsigawan yung saya na nararamdaman ko. na sa kabila ng lahat, buhay pa rin ako at pinaparamdam pa rin ni Lord na mahal Niya ako. grabe. andami pang kailangang baguhin sa ugali ko. pero hindi Niya talaga ako pinabayaan. at sa sobrang pagmamahal Niya sa'kin, pagtitiyagaan Niya akong baguhin at hubugin para maging katulad Niya. wow.
kung alam lang nila...:)
Monday, March 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
mabuhay, rache! sa wakas, masisilipan ko na ang buhay-buhay mo. anyway, check mo na blog ko kasi andun na yung konting pics natin. hehehe.
Post a Comment